Skicka länk till app

Ang Dating Biblia. Filipino


4.2 ( 2832 ratings )
Utbildning Böcker
Utvecklare: Oleg Shukalovich
Gratis

Filipino. Ang Biblia (TLAB) (Bible in Tagalog)
Kabanata:
Lumang Tipán
- Genesis
- Exodo
- Levitico
- Mga Bilang
- Deuteronomio
- Josue
- Mga Hukom
- Ruth
- I Samuel
- II Samuel
- I Mga Hari
- II Mga Hari
- I Mga Cronica
- II Mga Cronica
- Ezra
- Nehemias
- Esther
- Job
- Mga Awit
- Mga Kawikaan
- Eclesiastes
- Ang Awit ng mga Awit
- Isaias
- Jeremias
- Mga Panaghoy
- Ezekiel
- Daniel
- Hoseas
- Joel
- Amos
- Obadias
- Jonas
- Mikas
- Nahum
- Habakuk
- Sefanias
- Hagai
- Zacarias
- Malakias
Bagong Tipán
- Mateo
- Marcos
- Lucas
- Juan
- Mga Gawa
- Mga Taga-Roma
- I Mga Taga-Corinto
- II Mga Taga-Corinto
- Mga Taga-Galacia
- Mga Taga-Efeso
- Mga Taga-Filipos
- Mga Taga-Colosas
- I Mga Taga-Tesalonica
- II Mga Taga-Tesalonica
- I Kay Timoteo
- II Kay Timoteo
- Tito
- Filemon
- Mga Hebreo
- Santiago
- I Pedro
- II Pedro
- I Juan
- II Juan
- III Juan
- Judas
- Apocalipsis
Naglalaman ang Bíbliya ng mga salaysay na nauukol sa bansáng Israel mula noong unang milenyo BCE hanggang sa panahon ni Hesukristo at ng mga Apostól noong unang siglo CE.
Tanakh o Lumang Tipán
Ang Tanakh (Lumang Tipán) ay naglalaman ng salaysay ng pagkakahirang ng diyós na si YHWH sa bansáng Israel at ang kaniyang tipán sa Israel na siyay magiging matapat na diyós kung susundin ng Israel nang tapat ang kaniyang mga utos na ipinadala niya sa pamamagitan ni Moises. Kabilang sa tipáng ito ang pagmamana ng Israel ng Canaan o "Lupang Pangako" at ang proteksiyón at pagpapalà ni YHWH kapalít ng pagsunód ng Israel sa kaniyang mga utos (Exodo 6:4).
Bagong Tipán
Ang Bagong Tipán ay naglalaman ng mga salaysay tungkol sa karakter na si Hesús at ang kanyang mensahe ng kaligtasan sa kanyang mga alagád. Si Hesús ay nagpakakilala na tagapágligtás sa pagwawakás ng mundó na magaganáp noong unang siglo CE (Mateo 24:34, Marcos 13:30, Marcos 8:12, Marcos 8:38, Marcos 9:19, Lukas 21:32, Mateo 10:23). Ayon kay Hesús, siya ay maghaharì mulâ sa kaniyang trono ng kaluwalhatian kasama ang kaniyang mga Apostól upang humatol sa 12 lipì ng Israel (Mateo 19:28). Bukód dito, si Hesús ay nag-angkín rin na isang diyós, at Mesiyas na naging sanhi ng pagkakahatol sa kanya ng sanhedrin ng parusang kamatayan (Lukas 22:66-71, Juan 10:33).[
Nagmula ang salitang Bibliya ng Tagalog at ang Bible ng Ingles mula sa Griyegong biblia na nangangahulugang "mga aklat" o "mga maliliit na aklat." Hinango naman ang Griyegong biblia mula sa isa pa nilang salita: ang biblos, na lumalarawan sa panloob na bahagi ng halamang papirus, isang sangkap sa paggawa ng sinaunang mga papel. May isang lugar sa Phoenicia, ang lungsod ng Gebal, na tinaguriang "Byblos" ng mga Griyego dahil kilala ang pook sa paggawa ng papel na papirus.
Tanakh o Lumang Tipan
Ang mga aklat ng Tanakh o Lumang Tipan ay orihinal na isinulat sa alpabetong Paleo-Hebreo. Bago matuklasan ang Dead Sea Scrolls sa kweba ng Qumran noong 1947 hanggang 1956, ang pinakamatandang pragmentaryong (hindi kumpleto) manuskrito ng Hebreo ang Nash Papyrus na isinulat mula 150 hanggang 110 BCE. Ang pinakamatandang kumpletong manuskrito ng Lumang Tipan (Tanakh) ay Codex Sinaiticus (ika apat na siglo CE) na kinopya mula sa Griyegong Salin na Septuagint. Ang Septuagint ay isinalin sa Griyego mula Hebreo noong ikatlo hanggang ika isang siglo BCE. Sa mga panahong ito ang Israel ay nasa ilalim ng imperyong Griyego. Ang Septuagint ang pinagkuhanan ng sipi (quotes) ng Lumang Tipan ng mga may akda ng Bagong Tipan at ng mga "ama ng simbahan".
Bagong Tipan
Ang mga aklat ng Bagong Tipan ay orihinal na isinulat sa Griego. Ang mga kauna unahang salin ng Bagong Tipan sa ibang lenggwahe ay kinabibilangan ng lumang Latin (ika 2 siglo CE), lumang Syriac (ika 4 hanggang ika 5 siglo CE), at Coptic (ikaapat na siglo CE). Isa pang salin sa Latin bukod sa "lumang Latin" ang Vulgata na isinalin ni Jerome (342–420 CE). Ang Peshitta na isinalin sa lenggwaheng Syriac ang bibliang ginagamit sa iglesiang Syriac.